Saturday, December 26, 2009

Merry Ba Chistmas Mo?

Merry ba ang Christmas mo? Ito na yata ang isa sa mga malungkot kong Pasko. A few minutes before 12 midnight I was still hoping Christmas spirit would visit me. I came prepared with all the gifts and noche buena food. All presents wrapped days before...went to the grocery to buy food and even ordered the famous desert from Ange.

I got gifts alrights...calls from friends and unexpected people. Nagkabigyaan na ng regalo pero bakit di ako masaya? Bakit wala pa din ako sa wisyo ng Pasko? Is it because T is away in Dubai? Is it because si J and B ay nag-ala Grinch at nagkulong sa bahay nila? Dahil ba hindi tumwag si M? Dahil ba hindi dumating ang Tatay ko? Kung ano man ang dahilan hanggang sa araw na ito ay di ko maisip. Buong araw na to ako ay natulog...nag dvd marathon ng Boys Over Flower...at eto nagsasalaysay ng walang kwentang araw ko. Ang tanging nakakatuwa sa araw na ito ay nakita ko si Jun Pyo ng maghapon sa tv.

Ako lang ata ang tao na namigay ng regalo sa lahat ng bata. I figured if I am not in the mood for this midnight celebration then at least make the kids happy. Mas naramdaman ko pa ang Pasko nung nagsisimba ako ng misa de gallo. Gumigising ng maaga at kahit papungas-pungas pa eh drive na papunta ng CCP para magsimba. Sa araw-araw na pagsisimba ko ay kinakausap ko si Bro. Nagpasalamat sa lahat ng blessings at dinasal ang aking healing.

Merry ba ang Christmas mo? Sana nman para kahit isa sa atin ay naramdaman ang Pasko. Happy Pasko sa inyong lahat na MAHAL ko!