Friday, December 11, 2009

Asan ang Pasko?



Malamig na ang simoy ng hangin. Madaming parol at ilaw ang nakasabit sa mga bahay at pasyalan. Malapit na magsimula ang simbang gabi. Madami na din nagtitinda ng bibingka at puto bungbong sa mga tabi-tabi. Nagsimula na ang mga tiangge (bazaare) magbukas hanggang hating gabi. Kabikabilang mga selebrasyon ng Christmas Party.

Pero bakit ganon? Bakit hindi ko maramdaman ang pasko? Nagsimula na ko mamili ng pangregalo pero di ko pa din maisip na 14 araw na lang at pasko na. Bakit nga ba ganon? Dahil ba bihira na sa ngayon ang nagreregalo? Dahil ba ang mga tao ay aligaga sa kung ano pang bagay at nakakalimot na sa tunay na halaga ng pasko?

Oo nga at magastos ang pasko at kadalasan butas ang bulsa ko sa kakabigay ng regalo. Nung bata pa ako madalas ako ang nakakatanggap ng regalo at pinagluluto ng magulang ko. Ngayon ako ay nasa edad na ako nman ang dapat magbigay at maghanda ng noche buena. Sinimulan kong gawin to mga ilang taon na ang nakakaraan mula ng ako ay magkatrabaho.

Taon-taon pinipilit ko na maghanda at maging masaya ang pasko kasama ng pamilya. Pinauuwi ang mga pinsan mula sa Cebu para makapiling namin. Simple man ang regalo ko ito ay galing sa puso at pinaghirapan. Para sa akin ang pasko ay okasyon ng pagbibigay at pasasalamat. Ako ay mapalad na nagkaroon ng maayos na buhay kahit na madami akong pinagdaanan na paghihirap. Para sa akin pera lang yan...di nyan mapapantayan ang kaligayahan na mabibigay mo sa kapwa mo. Konting sakripisyo at minsan lang to.

Asan na ba si Christmas Spirit? Sana nman dalawin nya ako.
***pic from the net